Linggo, Enero 18, 2015

Pagmamahal sa Bayan

Pagmamahal sa Bayan


        Ang pagmamahal sa bayan ay isang mahalagang tungkulin ng isang mamamayan sa isang bansa. Lahat tayo kahit kabataan ay dapat may pagmamahal sa bayan dahil kung wala tayo nito ay "daig pa natin ang hayop at malansang isda" katulad ng sinabi ni Dr. Jose Rizal. Maraming paraan para maipakita natin ang ating pagmamahal sa bayan tulad ng pagmamahal sa sariling wika, pagtangkilik at pagbili ng produktong gawa sa ating bansa. Pwede rin nating tularan ang ibang mga katangian ng mga bayani sa ating bansa na inialay pa ang kanilang buhay para lang maipagtanggol ang bayan. Pero hindi naman ibig sabihin na ialay din natin ang ating buhay, siguro bilang kabataan o mag-aaral dapat nating ipagmalaki ang ating pagiging Filipino sa pamamagitan ng pagsunod sa kultura na kinagisnan ng ating mga magulang. Dapat huwag nating gayahin ang kultura ng ibang bansa na para lang maging makabago ay kinakalimutan na ang mga nakagisnang kultura na natutunan natin sa ating mga magulang at sa ating mga lolo at lola. Ako, bilang kabataan ay masasabi ko pa rin na may pagmamahal pa rin ako sa bayan dahil sinusunod ko pa rin ang mga kultura na nakagisnan ng aking mga magulang tulad ng paggalang sa nakatatanda, pagmamano, at paggamit ng po at opo. Bilang mag-aaral, maipapakita rin natin ang pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng paggalang sa watawat at pag-awit ng Lupang Hinirang sa tamang paraan. Para sa akin, hindi naman mahirap gawin ang pagmamahal sa bayan, kailangan lang ng disiplina, pagiging matapat, at higit sa lahat pagmamahal sa pamilya at pati na rin sa kapwa.


19 (na) komento:

  1. pede bang dagdagan ito gamit ang morpoponemiko

    TumugonBurahin
  2. slmat sa magandang sanaysay post mo..
    Balita
    Balita

    TumugonBurahin
  3. Salamat sa kahulugang ibinahagi mo sa amin kung ano ang pagmamahal sa bayan.

    TumugonBurahin
  4. Salamat dito dahil dyan ako ay may project na sa pilipino subject namin

    TumugonBurahin
  5. Naalis ng may-ari ang komentong ito.

    TumugonBurahin
  6. Salamat, may project kami tungkol dito at makakatulong ito ng malaki. :)

    TumugonBurahin
  7. salamaaat po nagkaroon ako ng konting ideya

    TumugonBurahin
  8. Salamat.. Nakakatulong ito sa aking pagsasanay...

    TumugonBurahin
  9. 동해 물과 백두산이 마르고 닳도록
    하느님이 보우하사 우리나라 만세
    무궁화 삼천리 화려 강산
    대한 사람 대한으로 길이 보전하세
    남산 위에 저 소나무 철갑을 두른 듯
    바람서리 불변함은 우리 기상일세
    무궁화 삼천리 화려 강산
    대한 사람 대한으로 길이 보전하세
    가을 하늘 공활한데 높고 구름 없이
    밝은 달은 우리 가슴 일편단심일세
    무궁화 삼천리 화려 강산
    대한 사람 대한으로 길이 보전하세
    이 기상과 이 맘으로 충성을 다하여
    괴로우나 즐거우나 나라 사랑하세
    무궁화 삼천리 화려 강산
    대한 사람 대한으로 길이 보전하세

    TumugonBurahin
  10. isang paraan sa ng pagpapakita ng pagmamahal sa bayan ay pagtayo ng matuwid habang inaawit ang ating pambansang awit,karamihan sa mga kabataan at nakatatanda ngayon ay hindi na ito ginagawa. Noong ako ay nag aaral sa probinsiya hinaharangan namin ang daan kapag itinataas na ang bandila (tuwing flag ceremony)kaya lhat ng dadaan sa harap ng school at hihinto at magpupugay sa bandila,hindi pla sa lhat ng lugar ginagawa ito pero sa kahit walang flag ceremony manatili pa rin sa atin ang pagmamahal sa bayan .

    TumugonBurahin